Milo and Donuts

An American And His Filipina Girlfriend

Siguro mag tatatlong linggo na akong di nakakatikim ng malamig na tubig dahil tatlong linggo na ding sira ang aming ref. Kahit papano nasanay na lang ako at nag tiis sa init ng summer. Pero kanina na pagdesisyunan ni mama na putulin na ang paghihirap ko. Bumili na kami ng ref, at kahit sa Friday pa ang delivery nito. makakaasa na ako pwede na ulit akong kumain ng ice cream, cake, and ice candy.

Pero wala naman talaga sa ref ang tunay na kwento ng blog na to. As its title suggests tungkol to dun sa couple na nakasabay namin sa jeep habang kami ay papauwi. Una kaming nakasakay sa jeep kaya halos mabuti naming napagmasdan ang mga pagmumuka ng mga nakasabay nami.

Bago sa akin ang makakita ng mga foreigner sa loob ng jeep iniisip ko kasi “that they will rather take the cab.” At tuwing nakakakita ako ng mga kano, otomatiko nang naghahanap ang mata ko ng Filipina kung may kasama sila. Ewan ko ba ibang tuwa kasi ang nadadama ko pag napipintasan ko ang mga taste ng amerikano pagdating sa pamimili ng babae. In a way siguro naiisip ko na mas magaling ako sa kanila.

Sa ngayon iiwan ko na lang sa imagination mo kung anong taste ba meron ang mga amerikano pagdating sa babae. Para di naman lahat sa akin mapunta ang kasalanan.

Natuwa ako dun sa amerikano kahit mataba at may edad na cute pa ri n sya tingnan parang nagbibinatang Santa Claus. So pasimpli kong pinag mamasadan ang dalawang babae na kasama ng amerikano.Yung isa un ang girlfriend nya samantalang ung isa parang kasama lang nila. 

Sa mga puntong yun alam ko maraming ring nasa isip din si mama at sa pagbaba namin magkakaroon kami ng diskusyunan. Biglang nagring ung phone nung babae gf ni kano. Yung amerikano naman ay binasa ang text message na nasa wikang tagalog. Bigla itong kinuha nung girlfrind nya na para bang kinakabahan at may tinatago. Miski man ako nakatunog sa kinikilos ng babae at ng kanya pang isang kasama. Iba ang kanilang tinginan, iba ang kanilang senyasan.

Tinanong ko talaga kay mama ng malakas “MA NANLOLOKO YUNG BABAE.” kahit nasa harap lang namin sila. Tumango si mama bilang babae baka nabasa nya na ang kilos ng kapwa nya. Habang pinagmamasdan ko pa sila alam ko din nakatunog na din ung amerikano. All of the sudden naging malambing na ung filipina dun sa amerikano. Hinalik-haikan, yakap-yakap, ingles-inglesan kahit sobrang pasmado naman ang dila nito.

Ewan ko ba asar na asar ako dun sa babae kahit wala naman akong evidence sa mga iniisip ko. Kasi parang mahal naman sya nung amerikano at nakita ko pa na sa isang hotel sila bumaba tapos gaganunin nya lang. Pero kahit sa ano mang sitwasyon kahit na sinong tao wala namang karapatan gawin un eh. Ewan ko naasar talaga ako sa mga taong hindi naapreciate ung mga taong nagmamahal sa kanila.

Tas pag uwi pa namin narinig ko sa tv ung pagbaliktad ng isang pulitiko mula sa lakas papuntang liberal. Sa mantalang days ago todo suporta sya sa partido nila. Salcedo at un…ung taga Bicol dalawang Phahkiu finger, sinungaling syang hayup sya.

— 2 years ago