Milo and Donuts

Puregold XPrience

March 21, 2010

Dapat maging lesson to sa lahat, na sa tuwing inuutusan kayo ng nanay nyo na bumili ng Baygon sa Puregold di dapat palutang lutang ang mga isip nyo.

Kasi ganito ang nangyari. Bali galing kaming Quiapo tas gusto sana ni mama na dumaan sa Puregold para bumili ng Baygon dahil muntikan na sya liparin ng lamok sa amin noong nakaraang gabi. Pero ako si tanga slash tamad nagmagaling pa akong akuin ang trabaho para gawin ko na lang mamaya.

So nagpunta ako sa Puregold dala ang 500 pesos. Tama naman ang nabili ko yung “with no irrittating smell”. Nakapagbayad naman ako ng sapat. Kaso napaka careless ko winala ko ung resibo.

Ang alam ko kasi based from my mom’s experience di ka makakalabas sa Puregold kung alang reciept. Sa puntong yun di ko  na alam ang gagawin ko. Nag-text ako dun sa kaibigan ko….alang reply. Ung isa sabi maginjg honest daw ako, pero nung ginawa ni mama yun ala na syang choice kung hindi iwan ung items nya.

Di ko namang magawa na bumili ulit dahil ala akong perang dala pagkumuha naman ako sa 500 mahuhuli ako ni mama. Siguradong malilintikan ako.

At certain point naiisip ko na la ng natumakbo papalabas pero nung nakita ko yung baril nung tomboy na guard natakot ako baka mamaya mamatay ako sa halagang 150 pesos ganun.

Paikot-ikot ako sa food court feeling ko madaming mata na ang nakatingin sa akin. Ang lamig lamig na ng mga paa ko. Ewan ko di ko na alam ang gagawin.

Palapit na sana ako sa mga tao para magpasilid ng item sa groceries nila natatakot nga lang ako na magsuspetya sila sa akin. Tinext ako ulit ng friend ko. Gamitan ko daw ng charm kaso sa oras ng tension iniwan ako nito.

Buti na lang tinawag ako ng isa kong kaklase sa Highschool. Salamats sa Diyos. Pero natatakot pa rin akong ilagay sa kanya yung Baygon baka mamaya madamay sya.

Sinilid ko na tas diresto kami ng labas pagka-check. Haisssst ang sarap ng pakiramdam. Para akong naewan na di ko alam.

Lesson learned di na ako magtatangahan lalo na pag nasa loob ako ng Puregold 

— 2 years ago